Many look to me for wisdom pag dating sa problema nila sa mga boypren nila. And try as I might, kung minsan wala talaga akong maisagot na maayos kundi ... "ganun eh" !
So, share ko sa inyo ang questions nila ...
Bakit nga daw ba??
Bakit pag ang boyfriend mo nakita ang ex mo sa party at nainis siya, understandable ... pero pag ikaw ang nailang sa ex niya, maarte ka?
Bakit pag ang boyfriend mo hindi ka mahanap sasabihin lakawatsera ka... pero pag siya hinanap mo, possessive ka?
Bakit pag ang boyfriend mo tawag ng tawag sa yo concerned siya ... pero pag ikaw ang tumawag, makulit ka?
Bakit pag ang boyfriend mo laging naka-embrace at kiss sa yo sa public, affectionate siya, ... pag ikaw laging naka-hug, la ka raw hiya sa tao?
Bakit pag ang boyfriend mo panay ang aya mag-date, sweet siya ... pag ikaw ang aya ng aya mag-date, demanding ka?
Bakit pag ang boyfriend mo vocal sa love niya, romantic siya ... pagikaw obsessed ka?
Bakit pag ang boyfriend mo nag-propose ng marriage committed siya... pag ikaw nagbanggit ng kasal, nagmamadali k.?
Bakit pag ang boyfriend mo laging nag-o-OT, dedicated siya sa trabaho ... pag ikaw wala kang panahon sa kanya?
Bakit pag ang boyfriend mo nag-offer maghatid-sundo sa yo protective siya, ...pag ikaw wala kang tiwala?
Bakit pag ang boyfriend mo nagpasama sa yo mag-shopping he values your opinion ... pag ikaw nagpasama dependent ka masyado?
Bakit pag ang boyfriend mo naglalaway sa FHM, natural lang ... pag ikaw kinilig kay Josh Hartnet malandi ka raw?
Bakit nga daw???
Di ba ... kasi "ganun nga eh"
Hindi ko nga mantindihan kung bakit ang dami daming tanong ng mga babae eh ...
At least pag kaming mga lalake - eh, nagtatanong lang naman !